Bata pa lang ako, yan na ang gusto at hinahanap ng panlasa ko, kaya tuwing ako'y maiimbitahan sa isang handaan asahan mo na spaghetti talaga ang kakainin ko.
Baket ba Spaghetti?
Ewan ko. Hehe. Ang labo ng sagot ko eh no? Pero hindi ko alam kung baket mas gusto ko ito kesa sa pansit bihon na mas gusto ng mga matatanda na ihain tuwing may salusalo.
-Sabi nila, katulad ng kahit anong pansit meron din itong kakayahan na magpahaba ng buhay... (Kamusta naman yung mga preservatives ng tomato sauce teh? haha)
Seryoso, yun din ang paniniwala ko.
-Mas patok din ito sa mga bisita, mapabata man o mga isip bata.
-Masarap tong ipartner sa puto, yung puti o yung ibat-ibang kulay na matamis at malagkit.
-Sa Barbeque masarap din pati sa Cake or ice cream.
-Sabi din nila na ang kulay pula daw ay nakaka "attract" ng senses, malamang sa hindi nagayuma ako netong spaghetti na ito at ang maraming mahilig dito.
-Makikita mo ito sa birthday, sa binyag, sa piyesta, sa kasal, sa graduation, sa easter, sa pasko, sa new year, sa araw ng mga patay, sa araw ni bonifacio, sa labor day, sa bigayan ng course card, at etc. kase nga halos araw araw nagpaparamdam talaga etong spaghetti na ito.
-Kasalanan din siguro ni Jollibee at ng jolly kiddie club. "Proud Member" ako nyan, mapa Easter party or Halloween party kumokostume ako noon para lang umattend ng "gathering" at para kumain na din ng manok at ng SPAGHETTI.
Nagevolve din naman guys ang taste ko sa spaghetti, kung dati kuntento na ako sa mejo malabnaw na sauce nito, ngayon lumevel-up na ang mga trip ko. Gusto kung nung mapula o maorange na creamy at may tunaw tunaw na cheese at manamis namis na mga sangkap. Bigayn ko kayo ng ingredients ng the best Spaghetti para saken:
Sibuyas
Bawang
Ground Beef
Mushrooms
Carrots
Bell Pepper
Pepper
Salt
Rosemary
Cream Cheese
Nestle Cream
Cream of Mushroom
Sweet Style Spaghetti Sauce (kung wala kahit ano lagyan nyo na alng ng brown sugar)
Hotdogssss
Pasta
Quickmelt na cheese.. madami
Oven (hindi ito ingredient ha? I bake mo para may melt melt effect)
Kayo na bahala mag isip kung paano nyo gagawin yan. Dahil naiisip ko palang nastrestress na ako isaisahin ang procedure. haha. Sorry naman mga teh, tamad lang?
Wala lang, kumakain kase ako ngayon ng spaghetti na bigay ng pinsan ko na kapitbahay namen. Uso kase dito sa Pilipinas ang bigayan sa kapitbahay kapag may birthday o handaan, sa inyo ganun din ba? Teka,
HAPPY BIRTHDAY ARA!! SANA NAGUSTUHAN MO ANG NIKON DSLR MO!! IKAW NA!! I LOVE YOU VERY VERY MUCH!! (hindi ako ang nagbigay ng camera, nanay ko hehe)
Naisip ko lang na ishare sa inyo kung ano ang saloobin ng isang "Spaghetti Enthusiast." Madami dami na din akong natikmang bersyon ng spaghetti sa iba't ibang restaurant, bahay, handaan, bansa etc. Pero ang Pinoy Sweet and Creamy Style Spaghetti pa din ang gusto ko.
Photo Credits to Salen Trillanes and http://tastyfeast.sassymomslife.com |
O sya, pinagisip, pinatakam, at ininggit ko lang talaga kayo kaya ako nag blog neto. Sarap eh :P
----Burigs